[PH] HealthLoco Reviews: Polar Vantage M [PH] HealthLoco Reviews: Polar Vantage M
Bakit natin kelangan gumamit ng ‘fitness tracker’? Maraming benepisyo ang pag-gamit ng fitness tracker. Maaari itong gamitin sa pagbilang ng calories, pag-monitor ng heart... [PH] HealthLoco Reviews: Polar Vantage M

Bakit natin kelangan gumamit ng ‘fitness tracker’?

Maraming benepisyo ang pag-gamit ng fitness tracker. Maaari itong gamitin sa pagbilang ng calories, pag-monitor ng heart rate, o sa pag-gawa ng training plan.

Sa Polar Vantage M, makukuha mo ito at marami pang iba.

1. Disenyo

star+transparentstar+transparentstar+transparentstar+transparent

Sa unang tingin, mapapansin agad ang minimalist theme ng fitness tracker na ito. Ang display naman ay tama lamang ang laki para mabasa at makita ang mga salita at numero. Ngunit, ang display ay medyo madilim kaya kinakailangan na i-adjust ang brightness gamit ang built in LED.

Tama lamang ang kapit at hindi nadudulas ang fitness tracker kahit sa mga taong may maliit na wrist. Komportable din suotin ang sports strap na kasama ng tracker at hindi madaling pawisan. Ang silicone coating ay nakakatulong sa mas mabibigat na training sessions kagaya ng lifting.

Ang available na kulay ng sports band ay pula, puti, at itim.

Related image

Image: Polar

Sa likod ng fitness tracker ay makikita ang heart rate sensors. Nakalagay ito sa tila plastic na casing.

Ang mga buttons o pindutan sa tabi ng fitness tracker ay madaling gamitin.

Ang tracker ay may bigat na 45g. Isa ito sa pinakamagaan sa merkado.

Bored Benedict Cumberbatch GIF by BBC

2. Functions

star+transparentstar+transparentstar+transparentstar+transparentstar+transparent

Ang fitness tracker na ito ay kayang mag monitor ng pagtulog, bilang ng lakad, at heart rate. Nagbibigay din ito ng feedback matapos ang bawat workout tulad ng hiking at crossfit.

Bagay din ito sa mga taong makakalimutin dahil automatikong nag-momonitor ang tracker ng regular mong gawain sa araw-araw.

Image: Polar

Kaya din ng fitness tracker na ito na sukatin ang iyong VO2 capacity para malaman ang iyong endurance level.

man running during daytime

Ang Polar Vantage M ay walang kakayahang magpatugtog ng musika. Isa ito sa mga bagay na hindi nagustuhan ng karamihan. Ngunit, magkakaroon ng bagong version ng fitness tracker ngayong taon at inaashan na may idadagdag na features kagaya ng music capability.

Hindi mo na din kailangang magkaroon ng sarili o personal mong trainer. And Polar ay may tinatawag na Polar Flow na pwede mong I-set up sa iyong computer or smartphones.

Image: Polar

3. Performance

star+transparentstar+transparentstar+transparentstar+transparentstar+transparent

Ang Polar ay kayang tumagal ng hanggang 30 oras ng training. Ito ay nakakamangha sapagkat mayroon pa itong GPS capabilities. Kung hindi naman ito malimit gamitin, maari itong tumagal ng ilang araw.

Pagdating sa accuracy, masasabi na ang Polar Vantage M ay gumamit ng magandang teknolohiya para ma-monitor ang ating activities at heart rate.

Source: Polar

Verdict: star+transparentstar+transparentstar+transparentstar+transparentstar+transparent

Kung gusto mo ng maayos, fashionable, at functional na fitness tracker, magandang investment ang Polar Vantage M. Ngunit kung may ibang features ka na hinahanap kagaya ng email at music capabilities, maaaring ang susunod na version ang babagay sa iyo.

Ang Polar Vantage M ay mabibili sa halagang $USD350 mula sa HealthLoco. Kung ito ang iyong unang beses na bumili sa HealthLoco, babawasan ng $8 ang halaga ng iyong fitness tracker. Bili na: https://healthloco.com/product/polar-vantage-m/

Avatar

HealthLoco (Admin)

No comments so far.

Be first to leave comment below.

Your email address will not be published. Required fields are marked *